Kwento ng mga puso

“Anak, uminom ka na ba ng gamot mo para sa tyan?”  Paalala ng ina sa kanyang anak na

kanina pang nakahiga sa sofa.

“Hindi pa po Ma, mamaya na po… saglit lang naman po yun eh. Ka-text ko kasi Ma yung nililigawan

ko at sasagutin niya na ako ngayon!”  Halata sa mukha ng anak ang kasiyahan at agad itong bumalik

sa ginagawa. Napailing lang ang ina — patuloy rin sa paglilinis ng bahay.

 

Biglang kumulog ang tyan ng anak. Habang hawak ang Cellphone; tumakbo siya na parang

‘The Flash’ papunta sa kubeta. Nag-alala ang ina. Dali-dalian siyang pumasok sa kwarto ng paliguan.

Hinubad ang salawal, saka umupo sa trono.

 

Walang problema ang unang buga. Walang sabit. Tumingin muna siya sa hawak na Cellphone at baka

nagreply na ang future GF niya bago pa ilabas ang ikalawang Nuclear Bomb.

 

MAMAHALIN MO BA AKO HABANG BUHAY?”

 

OO, I LOVE YOU!”     Sabay bagsak ng ikalawang bomba.  Napapikit siya.  Hindi niya alam kung

sa kilig ba o sa ginhawang nadadama.  Pero ramdam niya sa sariling katawan ang nag-iipon pang

ikatlong chapter ng ebak. Kailangan ulit mag-handa.

 

Hindi na nakapag-hintay ang iniipon. Lumabas na ito ng tuluyan. Tumayo siya sa harap ng inidoro

at tinignan ang cellphone… at bowl na puno ng ebs. Nag-reply na pala. Hindi niya namalayan.

 

Bago pa man niya mabasa ang text ay biglang bumukas ang pinto. Natabig siya nito. Nakalimutan

niya palang i-lock. Nashoot ang Cellphone niya sa inidorong puno ng Ebak.

“Anak, okay ka lang ba? Sabi ko sayo uminom ka na ng gamot eh…”  Nakadungaw ang ina sa pinto.

 

Lumutang ang cellphone. At sa Inbox nito, may mensaheng  “SIGE, SINASAGOT NA KITA! LOVE ME

WELL HUH?!”

 

Hindi maipaliwanag ang mukha ng anak.  Masayang nakakadiri.


2 responses to “Kwento ng mga puso

Leave a comment